Saturday, February 05, 2005

Lights Off

The worst way to miss someone is to be sitting right beside them knowing you can't have them

-Anonymous

Ang labo minsan, kahit gusto mo wala ka namang kumpiyansa sa sarili mo. Kung kailan may pagkakataon saka ka naman walang masabi.

Tulad ngayon.

Katabi mo na nga lang, hindi mo naman kaya. Magsasalita na nga lang, para pang walang boses.

"Oh, anong ginawa mo sa buhay mo at bigla ka na lang nawala?" usisa mo

"Wala naman, aral lang. Ikaw?"

"Hmm... aral ba talaga oh baka kung ano nang ginagawa mo?"

"Humph.. Ewan sa'yo"

Seryoso daw, reflect daw sabi ng faci niyo. Think of a person. Ano ba 'yan? Ba't siya naisip ko? Hayaan mo na nga think of a person lang naman. "And that person must be yourself" Ok, mali pala. Oh thnk naman daw of your goals. Okay andiyan na naman siya sa isip mo umaaligid. Ano ba 'yan. Stop thinking of her na nga.

Pero di ko kaya eh.

Think of the people who are special to you. Siyempre siya na naman. Ano ba 'yan, tapos mamaya may sharing. Basta, kahit ano na lang sabihin mo sa sharing. Open your eyes na ba daw? okay tapos na reflection.

"Naisip mo na naman ako noh?" sabi niya sa akin

"Ang feeling mo hah!" (kahit na totoo naman. Oh well a few lies won't hurt)

Seryoso na daw. Tama na biruan sa kaniya. E di ayan sharing. Siyempre kuwento ka na. Baguhin mo na lang yung iba. Tapos. Activity. Gawin, get it over with and share. Time to go.

Tapos na yung meeting. Uwian na. Sabayan ko kaya.

"Sabay tayo"

"Ok lang, kaya lang Katipunan ako"

"hah, medyo malayo. hagdan ako"

"O Sige, Bye!"

"Bye!"

Hindi naman yun yung dahilan kung bakit ayaw mong makisabay eh. Naisip mo lang, anong gagawin mo ngayong kasabay mo siya? Ano na naman , wala lang. Sayang talaga ang pagkakataon. Pero pakiramdam mo hindi pa panahon.

E kailan pwede na? Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Iilang metro lang ang layo niya sa akin ngunit may isang hindi matulayang agwat sa aming dalawa ngayon. Dumidilim na. Uuwi na naman akong mag-isa ngayon.

1 Comments:

Blogger eyn said...

CUTE!!!!!!!!!!!!!!!!walang halong biro sarap talaga basahin yung mga pinopost mo ha....2 pa lang yung nababasa me pero natutuwa na agad me.....tuloy mo lang yan...sori nga pala minsan ha,......

7:19 PM  

Post a Comment

<< Home