Monday, January 10, 2005

Nang Minsa'y Umulan...

"Sometimes, those who are most willing to give it away, are those who want it most"

Here's a tragicomic love story all too close from home....

Makulimlim pa ang langit. Kakatapos pa lang ng bagyo. Mga alas-dos pa lang ng hapon ngunit iisipin mo na nagmamadaling-araw pa lang sa dilim ng kapaligiran.

At sa kadiliman na ito, mababanaag mo ang dalawang magkaibigang naglalakad...

"Uy ba't ang tahimik mo? May problema ka?" ani niya

"Huh? wala naman... Bakit masama bang maging tahimik?" sagot ko

"Hindi naman, nakakapanibago lang kung galing sa iyo..."

"And that means?..."

"Wala naman... hindi bagay sa iyo..."

"So hindi ako pwedeng tumahimik?"

"Hindi sa hindi puwede... hindi mo kaya..."

"ah ganun"

Lumiko ang dalawa sa isang kanto, shortcut papunta dun sa sakayan ng dyip. Malas nga at napadaan na siya dito. Kung hindi lang niya alam ang daan, papasikut-sikutin muna namin itong lugar bago pumunta doon.

Kaya lang baka naman makahalata siya. Taga-dito ako tapos naligaw pa 'ko. Ang labo naman nun...

Ang tahimik naman... wala na kasing mapag-uasapan eh... nakakailang naman... ah alam ko na....

"Uy nagtatawag daw yung mga lumang kaklase natin ng reunion."

"Talaga? Sinu-sino pupunta?"

"Sina Alvie, josh, Sheena, Aileen... Teka kilala mo pa ba sila?"

"Uh... Hindi masyado... Bakit?"

"Ikaw talaga... kasi naalala mo na lang si Ken. Pustahan tayo, kung di mo pa ko naging kaklase, di mo na rin ako kilala..."

"Hoy! Sobra ka! Siyempre di kita malilimutan!"

"Ows? Talaga lang hah..."

"Oo, iisipin ko na lang, yung lokong laging nang-aasar sa akin, na makulit, na hindi marunong tumahimik, na sobrang ingay pero...."

"OO na! OO na! Sige di mo na ko makakalimutan, salamat sa ala-ala mo sa akin!"

"Sure! No prob!"

Bait nang babaeng ito hah... Maingay pala ha.... At makulit pa! Ang ganda ng reputasyon ko sa babaeng ito ah.

"Kumusta na nga pala si Ken?"

Anak ng... Binanggit-banggit ko pa kasi yung pangalan eh. Sa lahat ng pag-uusapan siya pa! Yung kumag na iyon na walng kautak-utak na hindi man lamang marunong pumorma sa babae, Sa kin pa nga nagpapaturo iyon kung paano manligaw eh... Yun nga lang gwapo, kaya maraming patay na patay sa ungas na yun.

Tulad nitong kasama ko...

"Ewan ko!"

"Anong ewan, akala ko ba ikaw may contact sa kanila?"

"Aba, malay ko! Hindi ko naman trabahong tawagan silang lahat di ba! Ano bang pakialam ko sa kaniya?"

"Ikaw talaga ang sama sama mo. Ba't di ka kaya gumaya sa kaniya romantiko at malambing"

"Talaga lang hah!"

"Oo, tulad nung Valentine's, pinadalhan niya ko ng mga bulaklak...

(Ako bumili nun eh...)

"Tapos nung Christmas binigyan niya ko ng teddy bear...

(Ako po kaya naghanap nun... Inikot ko pa po kaya buong mall para makita iyon...)

"At higit sa lahat nung Birthday ko binigyan niya ako ng smiley na pillow!"

(Iyon ang pinakamasaklap, kung di ko pa papaalala na birthday mo hindi niya maalala. Ako pa ang nag rush para lang hanapin yung smiley na iyon! sana binigay ko na lang sa kapatid ko!)

"Eh... ikaw? kailan mo ako naalala? Kapag gusto mo akong asarin! dun lang!"

Wag ka nang umimik. Hindi naman niya alam eh...

"Ano?"

Hayaan mo na...

"Ano? di ka makapagsalita noh!"

5

"Eh ba't natahimik ka?"

4

"Ano magsalita ka ngayon!"

3

"Hehe, wala ka pala eh...

2

"Oh ano? di na-realize mo na rin ang agwat ninyong dalawa!"

"OO NA! TUMAHIMIK KA NA!"




(Tahimik)




(Tahimik)




(Tahimik pa rin)


"O? ba't napatahimik ka?" tanong ko

"Kasi pinapatahimik mo ako eh..."

DUH??!!!

"Sorry na kung napasigaw ako..."

"Hayaan mo na... Sorry rin kung naasar ka... Bakit ba?"

"Wala lang..."

"Laki nga ng pinagkaiba mo kay Ken"

Eto na naman tayo....

"Siguro nga pero aminin mo, hindi mo ako ganoon kadali malilimutan..."

"Huh!"

"Ano? Oo ba o Hindi"




(Tahimik)




(Tahimik)




(Tahimik pa rin)

Nakarating na kami sa sakayan ng bus...

"O ano? Sige paalam na."

"Bye-bye na rin..."

Paalis na ko nang napalingon ako sa kaniya... ewan ko kung bakit basta napalingon ako sa kaniya... Pero nung napatingin ako sa kaniya hindi man lang siya lumingon, ni hindi man lang ako tinignan...

Wala rin siguro akong masyadong halaga sa kaniya. Siguro sobra naman ang asahan na may puwang ako sa puso niya.... Para kay Ken iyon, di para sa akin...

Umandar na yung jeep, papalayo na siya...

Ba't ko nga ba tinutulungan si Ken? Eh type ko rin naman 'tong babaeng 'to... Kahit na ganun ako sa kaniya, mahalaga siya sa akin... Siguro nga, yun na ang apraan ko ng pagsabi na mahalaga nga siya sa akin...

Pero ano ba naman iyon... Magakaibigan lang kami... Wala na 'kong maasahan pa... Gusto ko man siya, wala akong magagawa... Gusto ko man sabihin sa kaniya, di ko magawa... Kasi baka pati pagkakaibigan namin mawala... Kahit hanggan dun na lang titiisin ko na... makasama lang siya....

Malayo na ang jeep... Ni hindi ko na nga mabakas ang anyo nito... wala na... iyon na iyon...

Nagsimula na namang umulan, malas wala akong dalang payong... Pero kahit anong lakas ng buhos ng ulan, di ko magawang tumakbo papunta sa bahay ko... Nawala nang lahat ng lakas ko... Hinayaan ko na lang na mabasa ako...

All names, places, and events are purely fictitious (well, the names anyway....) all similarities to any person, living or alive are purely coincidential.

3 Comments:

Blogger Jim said...

Fictitious? (Omi tone) Whatever, Enzow...

10:35 PM  
Blogger eyn said...

again.....cute...sad na nakakaaliw... pero sana di ka katulad nung guy sa story...ha Enzo...?????

7:30 PM  
Blogger enzo said...

Eh, hindi ko naman talaga kuwento 'to eh... In fact wala naman talaga akong kuwento dito na true word for word... I repeat word for word so maaring may basis sila sa totoong buhay...

12:21 AM  

Post a Comment

<< Home