Thursday, March 23, 2006

Interview me...

Questions from James
1. Kamusta ka naman Enzo? Haven't heard from you for a very long time. :)

Ok naman, masaya. Patapos na ang finals week, isang test na lang (Pero grabe law (last LT namin)... ang haba ng coverage). Nagdadasal na sana umabot ng DL. At kahit hindi ok lang. Happy-go-lucky. Nakalabas uli after a long time. Nakapanood ng "V for Vendetta" (good film, masaya panoorin, panoorin ninyo worth it). yun lang..

2. Bakit ka umalis ng Gabay, and are you planning to go back?

Maraming dahilan... Siguro yung isa sa pinakamabigat ay para makapagconcentrate sa acads. Meron pang isa. Comment ka na lang kung gusto mong malaman, hindi ko pwede ipost sa blog, maraming magagalit sa akin.
Yes, balak kong bumalik... kung kailan... 'yun din ang tanong ko...

3. Discuss ALL your morning rituals. As in lahat.
Wake up... Exercise na binubuo ng ilang warm-ups at 20 reps ng sit-ups (hindi kapani-paniwala hehe)... ligo... kain... bye bye kay Ma... (sabi mo sabihin kong lahat eh...) puntang school... tapos...

4. Do you receive allowance from OAA? If so, paano ka nakahingi and how much?
Hindi... but I know how to... Mail them lang every beginning of the sem (the sem before)... hindi ko alam kung magkano... yun lang alam ko eh...
5. Remember our discussion with K.Chris about the Undead? Explain fully why the Undead should not be called Undead. =P

Sorry... hindi ko na maalala 'to, so wala rin akong masagot

My turn! (Copy-pasted from James)
1. Leave me a comment saying "Interview me."
2. I will respond by asking you five questions.
3. Post the answers to the questions on your LJ.
4. Include this explanation.
5. When others comment asking to be interviewed, ask five questions.

Monday, February 27, 2006

One day at Kenny Roger's...

Noong Thursday, Before ng 2nd LT namin sa Acc 30, naisipan ng ilan sa mga blockmates ko (Pam, Kate, Earl, Gio and special mention Beljo) na maghanap ng resto sa Katips para doon kami mag-aral. Ito ay sa kadahilanang may Service Awards noong araw na iyon kung kaya sarado ang lib. Napagtripan namin ang Kenny Roger's dahil malapit ito sa Gate 2.5 at hindi masyadong maraming tao. Ito ang ilan sa mga quotable quotes ng araw na iyon.
From Pam:
"Guys, would you like my muffins?"
Siyempre, kahit well-meaning naman si Pam, nakakatawa pa rin ang labas nung message galing sa kaniya. Pero eto talaga yung panalong quotation from Beljo:
"Miss, meron po ba kayong breasts?"
Hindi naman talaga sinasadya ni Beljo iyon. It just happened na kung nag-order ka ng Crispy sa Kenny Roger's eh may choice ka kung anong part ng chicken yung gusto mo. At hindi rin naman niya kasalanan na yung waitress noon ay babae. Pero kahit paano mo tignan, mali lang talaga siyang pakinggan. Pero wait, ito naman ang reply ng waitress.
"Meron, dalawa"
Hehe, what can I say? Mukhang kalaban lang talaga ni Beljo ang circumstances noong araw na iyon. Still panalo pa rin yung reply ni Pam kung siya daw ang tinanong noon.
"I don't know. Can you check for me?"
Hehe, iba talaga nangyayari kung bangag ka na sa pagrereview.

Saturday, December 24, 2005

Pasko nung Bata pa ako

Ang sarap balikan ang pagkabata lalo na't ngayong Pako... Haha... Nagrereminisce lang...
May masayang tradition ang relatives ko (mother side) tuwing Pasko. Magsasama kaming lahat pagdating ng December 24 at magcecelebrate ng Christmas. Naalala ko noong bata pa ako, halos lagi sa bahay ng lolo at lola ko ito gaganapin. Pero noong naglaon, nagsimula na ito ganapin sa iba't-ibang bahay ng mga tito at tita ko. Masaya kaming lahat ng mga kamag-anak kasi magkakasama kami. At siyempre masayang-masaya kami, yung mga third generation (first generation sina lolo at lola, second yung mga magulang namin, third na kaming mga magpipinsan), dahil siyempre, ito yung araw ng bigayan ng regalo. Ang saya ng feeling kung makikita mo yung mga naglalakihang plastic bag ng mga tito't tita mo na naglalaman ng mga nakabalot na regalo. (Na-realize ko lang na napakapractical para sa amin na mga inaanak dahil hindi na namin kailangan maghunting ng mga ninong at ninang... Hahaha... Joke lang) Nakakatuwa siyempre yung feeling na nakakatanggap ng regalo. (Habang lumalaki ako narealize ko na ang hirap pala noon, 12 magkakapatid ang mga magulang namin, at bawat isa ay reregaluhan mo... Ngayon may 4th generation na... Iniimagine ko na lang pag dumating na ang turn namin... Naku patay... hehe)
Pero ngayon, bago na... Hindi na ako ganoon naeexcite makatanggap ng regalo. Ewan ko kung bakit. Sa totoo lang, ngayon, mas natutuwa akong makasama ang mga pinsan ko. Iyon lang talaga. Haha.
Wala lang... MERRY CHRISTMAS!

Saturday, October 29, 2005

Minsan, sobrang sama ng pakiramdam mo...

Hindi wala akong sakit. Hindi lang naman iyon ang dahilan para sumama ang pakiramdam mo... Iyong isa pang sakit sa pakiramdam. Iyong feel mo down na down ka na. Iyong feel mo mag-isa ka at iniwan ka na ng mga tao. Iyong parang "terminal depression".

Kasi seryoso, iyon ang pakiramdam ko ngayon.

Siguro ganoon lang kasi ako magdaramdam; sobrang tagal, at sobrang dinidibdib. Ewan ko kung bakit, basta ganoon. Pang-apat na araw na ako depressed. Simple lang naman ang dahilan kung bakit lumalala pa ang pakiramdam ko, wala akong makausap eh... Ang bigat-bigat tuloy ng pakiramdam ko. Pinakamalala kahapon. Basahin niyo yung update ko; lyrics lang ng kanta. Gusto kung mag-update pero wala talaga akong sigla mag-update, sobrang malungkot lang ako. Sa totoo lang, kahapon hindi ko na kinakanta iyan, sinisgaw ko na. Parang sa Psych 101 namin... "Catharsis" kung baga. Nagulat na nga nanay ko eh.. Nagtatanong kung may problema ako. Siyempre sagot naman ako ng wala. Mahirap lang ksing ikuwento eh...

Feel ko parang walang kuwenta akong kaibigan. Minsan nakakasama kung feel mo sobrang ina-alienate ka na ng kaibigan mo. Feel ko ganoon ang ginagawa niya. Galit ako, aaminin ko. Mahirap ba akong kausap? Bakit ganoon, hirap akong kauysapin ng mga tao. Alam ko hindi ako perpekto pero, trust me, sinusubukan kong baguhin ang mga masasama kong ugali. Mahirap, pero para sa mga kaibigan ko, susubukan ko. Sawa na akong ituring na balewala ng mga taong sinisubukan kong kaibiganin... alam ko malamang hindi naman talaga nila ako balak saktan pero minsan masakit lang talaga ang mga loko ng mga tao sa akin. Linulunok ko na lang.

Sana lang may makausap na rin ako... ang hirap ng ganitong wala akong makausap

Friday, October 28, 2005

Bad Day

by Daniel Powter

Where is the moment when we need it the most
You kick up the leaves and the magic is lost
They tell me your blue sky's faded to grey
They tell me your passion's gone away
And I don't need no carrying on

Stand in the line just ahead of the law
You're faking a smile with the coffee you go
You tell me your life's been way off line
You're falling to pieces every time
And I don't need no carrying on

Cause you had a bad day
You're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know
You tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride
You had a bad day
The camera don't lie
You're coming back down and you really don't mind
You had a bad day
You had a bad day

Well you need a blue sky holiday
The point is they laugh at what you say
And I don't need no carrying on

You had a bad day
You're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know
You tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride
You had a bad day
The camera don't lie
You're coming back down and you really don't mind
You had a bad day
You had a bad day

Sometimes the system goes on the blink and the whole thing it turns out Wrong
You might not make it back and you know that you could be well oh that Strong
Well I'm not wrong

So where is the passion when you need it the most
Oh you and I
You kick up the leaves and the magic is lost

Cause you had a bad day
You're taking one down
You sing a sad song just to turn it around
You say you don't know
You tell me don't lie
You work at a smile and you go for a ride
You had a bad day
You've seen what you like
And how does it feel for one more time
You had a bad day
You had a bad day
You had a bad day

Thursday, September 15, 2005

Commuter Rituals

Ito ay isang pagtingin sa mga pag-aasal ko pag nasa dyip. Wala lang, parang karugtong lang ng nauna kong post. Mga nakakatuwa at mga nakakaasar na pag-uugali ko sa dyip

Simula natin sa mgakanais-nais bagay na pag-uugali ko sa dyip...
1) Pag sumigaw na ng "bayad po" at inabot mo na ang kamay mo sa taong may mabuting loob n mag-aabot sa driver ng pambayad mo sa dyip, siyempre sabayan mo ng "Thank you". Aba, kahit na maliit na bagay lang iyon, nakakagaan rin ng loob yung malamang appreciated yung ginagawa mo noh... kahit na pag-abot lang iyan ng kapwa mo pasahero sa tsuper (o konduktor, whichever may apply)

2)Pag nandoon ko sa upuang katabi ng driver at mayroong pasahero na nasa gitna ninyong mas maagang bababa sa iyo... bumaba ka muna paramakaalis yung bababa. Aba, mahirap naman yata yung subukan mong umalis ng may taong nakaharang sa labasan. Believe me, nasubukan ko na. Pag-ikaw naman yung nasa alanganing posisiyon, at bumaba yung nasa tabi mo, sabayan mo uli ng "thank you". Wala lang para masaya.

Okay so yun 'yung mga medyo magandang gawain ko sa dyip pag nag-commute... Eto yung medyo kaasar... (Trust me mas mahaba ito)

1) Pag-umalis na yung katabi mo (yung mas malapit sa bukanan ng dyip) usog ka kaagad. Putek, ang hirap atang umalis kung nasa may kabilang dulo ka ng dyip no (yung malapit sa driver). Hindi bale nang maabala ang mga sasakay pa lang.

2) Pag medyo bad trip ka sa katabi mo (ayaw umusog kahit malaki ang space, tinutulak ka sa upuan, [ito yung weird] sumsayaw sa dyip [swear! Mind you, naka jogging pants, rubber shoes, at madyo tight fit na clothes, parang PE teacher sa mga school]) sikisikin mo. Gantihan lang iyan p're noh! Pag ginagawa 'to try to be conspicuous about it wag kang pahalata, kunwari may tinitignan ka sa labas, pero sa totoo sinisiksik mo na siya. (tsk, tsk ang sama rin talaga ng ugali ko kung minsan)

3) Pag-abot ng bayad, magkunwari kang tulog, double purpose, una, para kung magtanong yung driver kung saan yung bayad may excuse kang hindi sumagot (minsan kaasar kasi , kung may sukli hindi na iaabot sa 'yo, kung sakto lang sasabihin kulang bayad mo, at kung anu-ano pa, kaasar lang kasi talaga), at pangalawa para hindi mo na kailangan mag-abot ng mga sukli at bayad ng mga kapwa pasahero mo. wala lang, trip lang.

Mga tao talaga sa dyip, tsk, tsk.

Uy! Buhay pa pala ang blog na ito!

Kung ngayon ka pa lang napadaan sa blog na ito, maari kang magtanong o magtaka sa title ng entry na ito. Hindi ba parang espesiyal, parang may bago.

Kasi naman, siguro'y isang taon na ng huli akong nag-update ng blog na ito (check ninyo date ng last entry). Ewan ko kung bakit... wala tinamad lang siguro ako ng sobra-sobra kaya hindi na ako nag-update... o hindi kaya naman wala naman akong may saysay na maisusula...o kaya naman ay busy ako... o kaya, isa na siguro sa mga pinakamabigat na dahilan ko, ay baka may masulat akong hindi kanais-nais. Well, since wala rin lang naman akong magawa ngayon, mag-update na lang ako ng blog.

Mayroon kasing 3 oras na bakant sa sked ko tuwing TTH. Normally gunagamit ko ito para gumawa ng assignment at magbasa ng accounting. Yung nga lang last meeting walang assign sa accounting (himala!!!) kaya heto ako ngayon wala akong ginagawa.

Actually, opportunity ko na rin ito para makapagkuwento tungkol sa araw ko. Medyo asar kasi ako ngayon. Loko kasi yung driver ng dyip na sinakyan ko. Ganito kasi iyon...

1) Gumising ako ng maaga kanina para mag take ng stat ng prof ko sa iba niyang klase... para na rin maaga makauwi... eh kaso pang-asar ang diskarte ng dyip na ito pag nagdrive. Talagang pinipilit ang sarili sa masikip na lane... tsk, tsk, tsk...

2) Ok na siguro iyon, hindi naman niya kasalanan kung masikip ang lane eh. Pero isipin mo naman, nang mag-aabot ako ng bayad talagang parang ayaw akong pansinin. So hinintay kong makarating yung bayad ko sa kaniya at magreact siya. Itinaas na niya yung bayad ko... di sabi ako ng Katipunan (estudyante)... tapos binaba na niya... tapos tinanong niya uli kanino daw yung sampu... kung di ako tatapikin nung katabi ko hindi ko alam na ako pa iyon... eh di sigaw uli ako. Ok lang, madalas naman mangyari iyon eh. Eh kaso ibahin mo tong driver na 'to... Bingi talaga... hinto ng dyip tapos tanong uli. Ano?!!! eh hindi naman mahina boses ko hah!!! So iyon badtrip ako. Sinigawan ko talaga yung tsuper. (Minsan masama rin ang ugali ko pag nasa dyip)

3) Pero eto malala... eh di bababa na akong Katipunan. Kaso yung dyip gumigilid talaga sa may pinakadulong lane (as in yung katabi ng fly-over patungong Marikina). Eh di para ako. Iisipin mo naman na tatabi siya para ibaba ako...pero hindi... doon talaga sa gitna ng kalye... asar.

Conclusion: late ako masyado para sa stat ko (as in 30 mins) so ayun. asar talaga.